Mga Pagdiriwang

Unang Pagdiriwang

Mahal na Araw

Ang pagdiriwang na ito ay isa sa pinakaimportanteng panrelihiyon na pista sa Pilipinas. Nagsisimula sa Linggo ng Palaspas, kung kailan ang mga Katoliko ay nagdadala ng mga palaspas para mabasbasan ng pari.



Lunes Santo hanggang Miyerkoles Santo ay ang umpisa ng pabasa o ang Pasyon. Sa Huwebes Santo, ang popular na kaugalian ay ang “Pagbisita sa Simbahan”. Ang mga Pilipino ay bumibisita sa isa o higit pang mga simbahan, na kung saan ay nagdadasal ng pananampalataya sa kilalang-kilala na Istasyon ng Krus. Ang Biyernes Santo ay isang pampublikong walang pasok. Ito ay ginugunita ng mataimtim na prusisyon sa kalye, ang Istasyon ng Krus, paggunita kay Hesus, ang Huling Pitong Salita at ang mahabang dula tungkol sa buhay at kamatayan ni Kristo na tinatawag na Senakulo.

Ang Sabado de Gloria ay kinaugaliang ipinagdiriwang ng katahimikan at kabanalan. Ginagawa ang paghahanda para sa pagbabantay ng Paskong Pagkabuhay na ipinagdiriwang ng gabing ‘yon. Ang umaga ng Paskong Pagkabuhay ay tanda nang masiglang pagdiriwang. Sa panahon ng kuwaresma, ang mga Katoliko ay dapat mag-ayuno at mangilin sa karne. Kahit ngayon, ilang Katoliko ay naniniwala pa rin sa penitensiya, Ilan sa kanila ay nagpapapako sa krus, pinapaniwalaang ito lang ang daan para mapatawad ang kanilang mga kasalanan.

Pangalawang Pagdiriwang

Pasko

Ang Pilipinong Pasko ay nagsisimula sa Setyembre at nagtatapos sa unang linggo ng Enero. Ang mga Pilipino ay naglalagay ng mga parol, mga Belen, mga ilaw ng pasko at iba pang mga palamuti. Sa Bisperas ng ika-24 ng Disyembre, ang mga relihiyoso ay pumupunta sa huling simbang gabi, ang Misa de Gallo.



Pagkatapos ng misa, naghahanda sila para sa Noche Buena, ang pistang pampamilya na nag-uumpisa pagkatapos ng hatinggabi. Ang Noche Buena ay kapareho ng isang bukas na bahay na pagdiriwang . Ang pamilya, mga kaibigan, mga kamag-anak at mga kapitbahay ay dumadaan para bumati sa bawat kasapi ng pamilya ng Maligayang Pasko. Ang mga pagkain ay masasagana, kadalasang inihahain sa mesang may nakahandang pagkaing para sa lahat. Ang gabi ng Pasko ay ang gabi ng tuloy-tuloy na pagdiriwang.



What is this? Print Page Close Window
Close About
The source is the authentic content from which this lesson was developed. The source can prove extremely useful for learners. You can review authentic materials with total confidence that the materials are at the indicated level. You can easily check your overall comprehension of the materials by simply reading the provided translation. Lastly, you can listen to the authentic audio to check the pronunciation of words or phrases.