Glossary Page Original Source Text/Audio Information Page Additional Resources Page GLOSS Tutorial GLOSS Questionnaire
Lesson OverviewActivity 1Activity 2Activity 3Activity 4Activity 5Activity 6
Sabong, Ang Pambansang Aliwan ng mga Pilipino
Click for Instructions Click to Bookmark this Activity Reload Page - Clears Activity

sabunganAng sabong ay isang legal na pambansang aliwan ng mga Pilipino. Tinatawag ito na hari sa lahat ng mga palaro sa Pilipinas. Inihahambing din ito sa Corridas de Toro sa Espanya.

Ang sabong ay  bahagi na sa buhay at kulrura ng mga Pilipino. Ito ay ginagawa sa mga araw ng Linggo at mga piyesta sa pabilog na gusaling katulad ng arena. Sa mga araw ng mga palaro,ang mga may-ari at ang kanilang mga tandang ay makikita sa gitna ng sabungang kasama ang kristo. Ang kristo ay taong nagtatanggap at nagsisigaw ng mga taya na walang lapis at papel. Ginagamit lang niya ang mga senyas ng kanyang mga kamay.

Ang dalawang lahi ng tandang na panabong ay ang lahing Teksas at ang lahing Labuyo o gubat-manok. Ang tandang ay higit na malaki at mabigat kaysa sa ordinaryong manok.

Ang  tandang ay napaka-espesyal sa may-ari nito. Minamasahe ng may-ari ang kanyang alagang tandang araw-araw na daig pa sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanyang mga anak at asawa. Itinataya niya ang  sariling kabuhayan at umuutang pa para may pantaya sa kanyang tandang sa araw ng palaro.

Ang paghahanda sa laban:

  • Inaalis ang mga sobrang balahibo ng tandang para makalipad ito nang mabilis at mataas.
  • Tinatapyas ang palong ng tandang na sadsad sa ulo para walang matuka ang kalaban nito.
  • Pinapakain ang tandang ng mga espesyal na pagkain

Bago maglaban ang dalawang tandang, tinatalian muna nila ang mga tahid nito ng mga tari. Ang taring ito ay parang isang maliit na espadang patalim na nakakasugat at nakamamatay sa bawat sipa ng tandang. Kung bumagsak na ang isang tandang sa laban, ipinapatuka uli ito sa nanalong tandang. Kapag hindi na ito makatuka, tabla ang laban kahit na patay na ang isang manok.

.

.

Compare Answers
Copyright DLIFLC - 2011
Video Tutorial
close