Tayo Nang Mamili

Sa Panaderya

Malou: Hoy, Mila. Kumusta ka na ?

Mila: Hoy, Malou. Heto buhay pa. Ano'ng ginagawa mo?

Malou: Pumunta ako para bumili ng hopia.

Mila: Gusto mo ba ng munggo, baboy o ube?

Malou: Ube kung meron ka.

Mila: Siyempre. Heto na. Meron ka pa bang ibang gusto?

Malou: Wala na. Salamat. Magkano ang hopiang ube?

Mila: Isang daang dalawampung pisos.

Malou: Heto na.Sige. Hanggang sa muli.

Mila: O sige. Hanggang sa muli.



Sa Tindahan ng Prutas

Tindera: Magandang araw ho, Mrs. Diaz.

Kostomer: Magandang araw naman, Aling Maria. Ang lalaki ng mga mangga ninyo!

Tindera: Oho at matatamis hong lahat, Mrs. Diaz.

Kostomer: Magkano ang isang kilo?

Tindera: 100 daang pisos ho. Gusto niyo ba ng isang kilo?

Kostomer: Ilan ba ang isang kilo?

Tindera: Mga lima ho.

Kostomer: Kung ganoon, eh dalawang kilo. Heto ang bayad.

Tindera: Salamat ho, Mrs. Diaz.

Kostomer: Walang anuman, Aling Maria, O sige. Sa isang linggo ulit.



Sa Tindahan ng Damit

Tindera: Kumusta po. Ano po ang maitutulong ko sa inyo?

Kostomer: Naghahanap ako ng amerikana at kamisadentro para sa anak kong lalaki.

Tindera: Alam po ba ninyo ang sukat niya?

Kostomer: 46 at 36.

Tindera: Ano po'ng kulay ang gusto ninyo?

Kostomer: Gusto ko ng itim o kulay- abo at kamisadentrong babagay.

Tindera: Gusto po ba ninyo itong kumbinasyon?

Kostomer: Oo, mukhang maganda ang kumbinasyon! Puwede bang ipagpalit kung ayaw niya ito.

Tindera: Opo, siyempre. Puwede ninyong ipagpalit sa loob ng isang linggo. Pakitago po ninyo ang resibo at huwag alisin ang mga tag.

Kostomer: O sige. Salamat. Magkano ang utang ko sa iyo?

Tindera: 5,000 pisos po.

Kostomer: O, siya. talagang mahal nga ang inyong tinda.

Tindera: Salamat po. Opo, hindi sila mura pero mayroon namang mataas na kalidad.  Magagamit niya po ito nang mahabang panahon.

Kostomer: Sana nga. Paalam.

Tindera: Paalam din po sa inyo.





What is this? Print Page Close Window
Close About
The source is the authentic content from which this lesson was developed. The source can prove extremely useful for learners. You can review authentic materials with total confidence that the materials are at the indicated level. You can easily check your overall comprehension of the materials by simply reading the provided translation. Lastly, you can listen to the authentic audio to check the pronunciation of words or phrases.