Read the first two lines and pay attention to the cognates:
- kumpletong dukumento and klerans pampulisya
Also, pay attention to the verbal phrases:
- magdaan (to pass) ng pansuriang seguridad o pag-iimbestiga ng sariling (own) pribadong imbestigador
||
The suggested answer:
Dapat na may malinis na rekord, kumpletong dokumento, at klerans pampulisyang.
Must have a clean record, complete documentation, and police clearance.
Ang mga nararapat na aplikante ay dapat na magdaan sa pansuriang seguridad o pag-iimbestiga ng aming sariling pribadong imbestigador.
The qualified applicant must undergo security check or investigation of our own private investigator.
Notes:
The cognate for nararapat is kwalipikado (qualified).
Ang nararapat na aplikante ay magsisimulang magtrabaho sa susunod na linggo. -- The qualified applicant will start to work next week.
Ang kwalipikadong aplikante ay magsisimulang magtrabaho sa susunod na linggo. -- The qualified applicant will start to work next week.
sariling pribadong imbestigador -- own private investigator
imbestigador = tagasiyasat
The word sarili (self, own) is used as a reflexive pronoun.
Variations of reflexive pronouns are saril ko (myself), sarili mo (yourself), sarili niya (herself, himself), sarili nila (themselves).
Kailangang iligtas mo ang sarili mo sa gulo. -- You need to save yourself from trouble.
Sarili lang niya ang kanyang iniisip. -- She is only thinking of herself.
One answer is in the statement Kailangang-kailangan nang Madalian!
For the second part of the question, pay attention to the phrases that start with
naghahanap ng -- looking for
kung ikaw ay -- if you are
and the negative phrase huwag ka nang mag-aplay.
||
The suggested answer:
Kailangang-kailangan nang Madalian!
Urgently needed!
Ang kailangan namin ay pangmatagalang katulong. Hindi masyadong bata ang edad at hindi masyadong maganda.
We need a long-term helper. Not too young and not too beautiful.
Kaya, kung ikaw ay naghahanap lang ng pansamantalang trabaho, huwag ka nang mag-aplay.
So, if you are just looking for temporary work, do not apply.
The answer is in maghatid (to take or bring), at magsundo (to pick-up) ng mga bata sa paaaralan and Magbantay (to watch) sa pinakabatang anak na lalaki.
||
The suggested answer:
Maghahatid at magsusundo ng mga bata sa may paaaralang malapit.
Will take and pick up the children to and from the nearby school.
Magbabantay sa bunsong batang lalake.
Will watch the youngest boy.
Look at the use of dapat:
dapat maglinis ng bahay -- must clean the house
Dapat na maglinis ka ng bahay sa Sabado. -- You must clean the house on Saturday.
dapat maglaba ng mga damit -- must wash the clothes
Dapat na maglaba si Marina ng mga damit sa labas. -- Marina should wash the clothes outside.
dapat magbantay ng mga bata -- must watch the children
Dapat na magbantay ng mga bata si Maria bukas. -- Maria should watch the children tomorrow.
Read the last two lines on responsibilities. Pay attention to the verbs, such as magluto, maglinis, maglaba, at mamalengke.
Gumawa ng mga anumang bagay sa bahay kung kailangan.
bagay -- thing
Pay attention to the cognate word pakikontak.
||
The suggested answer:
Magluto, maglinis, maglaba, at mamalengke. Gumawa ng mga anumang bagay sa bahay kahit anong oras kung kailangan.
Cook, clean, do laundry and go to the market. Do anything around the house at any time when needed.
Kung ikaw ay interesado, pakikontak lang si Ginang Aquino sa telepono, (dos.sero.dos)- singko. singko. sais- siete. otso. nuebe. sero.
If you are interested, please contact Mrs. Aquino at telephone number (202) 556-7890.
- Dapat na may malinis na rekord, kumpletong dokumento, at klerans pampulisya. Ang mga nararapat na aplikante ay dapat na magdaan sa pansuriang seguridad o pag-iimbestiga ng aming sariling pribadong imbestigador.
Kailangang-kailangan nang Madalian!
Ang kailangan namin ay pangmatagalang katulong.
Hindi masyadong bata ang edad at hindi masyadong maganda.
Kaya, kung ikaw ay naghahanap lang ng pansamantalang trabaho, huwag ka nang mag-aplay.
Mga Reponsibilidad:
- Maghatid at magsundo ng mga bata sa paaralan
- Magbantay sa pinakabatang anak na lalaki
- Magluto, maglinis, maglaba, at mamalengke
- Gumawa ng mga anumang bagay sa bahay skahit anong oras kung kailangan
Kung ikaw ay interrsado, pakikontak lang si Ginang Aquino sa telepono, numero(dos.sero.dos) singko. singko. sais- siete. otso. nuebe. sero.