Ang Parusa para sa Dayuhang Mangangalakal ng Bawal na Gamot

Nagiging bagsakan ng bawal na mga gamot ang Pilipinas. Mula rito, dadalhin ang mga droga sa iba pang bansa sa Asya. Ang matindi pa ngayon, dito na sa bansa gumagawa ng laboratoryo ang mga dayuhan. Maraming mga laboratoryo ng shabu sa Metro Manila na inooperate ng mga dayuhan. Wala na silang takot sa paggawa at pamamahagi ng bawal na mga gamot. Isang dahilan kung bakit hindi na nasisindak ang dayuhang mga mangangalakal ng bawal na gamot ay dahil mahina ang batas sa Pilipinas. Habambuhay na pagkakulong ang parusa.

Dati, sa mga apartamento sa subdibisyon nagma-manufacture ng shabu ang mga dayuhan pero ngayon, sa mga kondominyum na. Kamakailan, sinalakay ng PDEA ang isang condo unit sa Global City Taguig at Makati at nakakumpiska ng malaking halaga ng shabu. Ayon sa PDEA, nakapasok na sa bansa ang kilalang-kilalang sindikato ng droga sa Mexico. Nakakumpiska rin ng shabu sa isang farm sa Lipa, Batangas kamakailan na ayon sa mga awtoridad ay konektado rin sa Mehikanong sindikato ng droga.



Marami ng dayuhan na nahuli dahil sa pagpapasok ng bawal na mga gamot sa bansa at lahat sila ay pawang nasa kulungan, Karamihan ay mga miyembro ng Aprikanong sindikato ng droga. Ilan sa kanila ay nilulunok ang droga, heroine, para lang maipasok sa bansa pero nahuhuli rin.

Isang panukalang batas, House Bill 1213, ang isinusulong ngayon sa Kongreso. Ito ay ang pagbitay sa dayuhang magangalakal ng bawal na gamot. Sa ilalim ng panukala, pawang mga dayuhan lang ang bibitayin. Ang panukalang batas ay inihain nina Cagayan de Oro Reps. Rufus at Maximo Rodriguez. Ang pagbitay lamang umano sa dayuhang mga mangangalakal ng bawal na gamot ang makakapigil sa talamak na problema sa ilegal na droga.

Sa bangis ng dayuhang mga mangangakal ng bawal na gamot, siguro'y ang pagbitay na nga ang nararapat . Ito ang kasagutan sa lumalalang problema ng droga sa bansa. Kung maaaprubahan ang panukalang bitay, maaaring matakot ang dayuhang mga mangangalakal ng bawal na gamot. Dapat isulong na ang panukala.



_TTEXT2ALT_
What is this? Print Page Close Window
Close About
The source is the authentic content from which this lesson was developed. The source can prove extremely useful for learners. You can review authentic materials with total confidence that the materials are at the indicated level. You can easily check your overall comprehension of the materials by simply reading the provided translation. Lastly, you can listen to the authentic audio to check the pronunciation of words or phrases.