Pasukan na ng mga bata sa paaralan sa isang linggo, kaya pinag-uusapan ng ama at ina kasama ng kanilang dalawang anak na lalaki ang tungkol sa mga pang-araw-araw na gawain at kalusugan.
Ama: Maria, sabihin mo sa mga bata kung ano ang ginagawa mo pagkagising mo sa umaga.
Ina: Pagkagising ko, naliligo ako, nagsusuklay, nagsisipilyo, nag-aayos ng mukha at nagbibihis.
Ama: Sa mga lalaki, kailangang mag-ahit pa sila, pero mga anak, dahil sa anim at pitong taong gulang pa lang kayo, hindi pa ninyo kailangang gawin ito hanggang sa susunod na sampung taon pa.
Ina: Kaya sabay-sabay tayong mag-almusal bago pumasok dahil pinakamahalagang bahagi ng pagkain ang almusal.
Ama: Totoo iyan. Mahalagang-mahalaga rin ang uminom ng tubig dahil otsenta porsiyentong likido ang nilalaman ng katawan natin. Tandaan ninyo iyan.
Ina: Kami ng inyong ama ay papasok sa trabaho, habang papasok naman kayo sa paaralan. Habang nasa paaralan kayo, may oras kayong kumain ng tanghalian at may oras din kayong makipaglaro sa mga kaklase ninyo, para maka-ehersisyo naman kayo nang kaunti.
Ama: Gusto kong umuwi kayo kaagad pagkalabas ninyo sa klase. Tamang-tama sa pagdating namin galing sa trabaho. Maghahanda ang nanay ninyo ng hapunan para sabay-sabay na naman tayong maghahapunan. Pagkahapunan, kayo ang magpupunas ng mesa at kami ng nanay ninyo ang maghuhugas ng mga pinggan. Matutulungan din kayo ng nanay ninyo sa takdang aralin sa klase at ako'y magbabasa rin ng diyaryo. Matulog kayo nang maaga dahil importante rin sa kalusugan ang pagtulog nang husto. Huwag kalimutang magdasal bago matulog.